(From left) A-list actors Piolo Pascual of Mallari and GomBurZa, Dingdong Dantes of Rewind and Firefly, and Alden Richards of Family of Two are expected to attend the inaugural Manila International Film Festival in Los Angeles, California. PHOTO/S: INSTAGRAM
Everything is set para sa inaugural Manila International Film Festival (MIFF) na gaganapin sa Los Angeles, California, ngayong January 29 to February 2, 2024.
Nakahanda na lahat ng pelikula, promotion materials, at iba pang logistical support para sa producers at film representatives na lilipad papuntang Hollywood for this very important event.
Binubuo ito ng mga artistang may official entry sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Among the delegation of stars, ito ang mga inaasahan per film:
1. When I Met You In Tokyo— Christopher de Leon
2. Penduko — John Arcilla
3. Rewind — Dingdong Dantes
4. Mallari — Piolo Pascual and Janella Salvador
5. Family Of Two — Alden Richards
6. GomBurZa — Enchong Dee and Cedrick Juan
7. Firefly — Ysabel Ortega
8. Becky & Badette — Eugene Domingo
9. Kampon — Beauty Gonzalez
10. Broken Hearts Trip — Christian Bables
Sana, mas sumigla pa ang industriya ng pelikulang Filipino sa pagdadala natin ng MMFF 2023 sa Hollywood!
JERRY OLEA
May prior commitment ang MMFF 2023 best actress na si Vilma Santos kaya noon pa siya nagsabing hindi makakadalo sa MIFF.
Nag-reconsider ang Star for All Seasons. Puwede pa kaya siyang humabol, if ever?
Hindi ba talaga puwede ang MMFF 2023 best supporting actress na si Miles Ocampo?
Sayang, hindi rin puwede si Alessandra de Rossi dahil sa taping ng May For Ever sitcom nila ni Empoy Marquez.
Maliban kay MMFF best actor Cedrick Juan, breakthrough star din ng December filmfest ang best child performer na si Euwenn Mikaell.
Tama ba ang naulinigan naming nakatakda na ang storycon ng pagbibidahan niyang TV series sa GMA-7 kaya hindi rin siya puwedeng lumipad pa-Hollywood?
Isa pang sayang kung hindi rin makakapunta ang MMFF 2023 best supporting actor na si JC Santos.
Bago pa ang Manila International Film Festival ay may international screenings na ang ilang 49th MMFF official entries.
Showing na ang superblockbuster na Rewind sa USA, Canada, Guam, Saipan, Australia, New Zealand, at Singapore.
Noong Enero 14 ay nag-special screening ang DongYan film sa Rome, Italy. Sa Enero 21 ay sa Milan naman ito mag-i-special screening.
Ang MMFF 2023 best picture na Firefly ay showing na sa UAE umpisa Enero 18, Huwebes.
Matagumpay ang premiere night nito noong Enero 17 sa Star Cinemas, Al Ghurair.
Ang Penduko ay showing na rin sa USA, partikular sa states ng California, New Jersey, Florida, at Nevada.
GORGY RULA
Sa pagkakaalam ko, hahabol na lang si Alden sa awards night, dahil February 1 pa raw siya makakarating ng Amerika.
Marami na ang nag-aabang kung malaki ang magagawa ng MIFF sa tina-target na pagiging global ng Metro Manila Film Festival.
May ilang nagkukuwestiyon lang sa sarili nilang awarding ceremony kung saan ay sila rin ang mamimili ng winners nila sa Best Picture, Director, Actor, Actress, at iba pang kategorya.