Sunshine Dizon hi.ts back at basher who compared her to Pinky Amador, called her “la.os”

Hindi nag-atubiling patulan ng aktres na si Sunshine Dizon ang isang basher sa X (formerly Twitter) nitong nakaraang September 20, 2023.

Ito ay matapos ikumpara ng basher si Sunshine sa character actress na si Pinky Amador, na laging trending ngayon sa kanyang pagganap bilang kontrabida sa afternoon drama series ng GMA-7 na Abot Kamay Na Pangarap.

Si Sunshine ay kasalukuyang napapanood sa afternoon drama series ng ABS-CBN at TV5 na Pira-Pirasong Paraiso.

Pangungutya ng basher, mas pinag-uusapan umano ang karakter ni Pinky bilang si Moira kumpara sa karakter ni Sunshine bilang Osang.

Dagdag pa ng netizen, tila nalaos daw si Sunshine noong lumipat ito sa “Ignacia,” na ang ibig tinutukoy ay ang ABS-CBN.

Si Sunshine ay matagal na namayagpag sa mga teleserye ng GMA-7, at ngayon ay isa na siyang freelancer.

Buong komento ng basher, “Mas sikat na si Pinky Amador >> >> Sunshine Dizon. Bwahahahaha…. mas pinag-uusapan ang karakter (sa lahat ng platforms) ng una kesa sa huli…. Poor Shine, nalaos talaga sya nung nagtry sya sa Ignacia. Bwahahahaha #AbotKamayNaPangarap”

Sumagot dito si Sunshine.

Masaya raw siya kay Pinky.

Kung sinasabi ng basher na “laos” na siya, bakit pa raw siya pinag-aaksayahan ng panahon nito.

Wala na rin daw siyang nais pang patunayan dahil nakakagawa siya ng mga dekalidad na proyekto mula pa noon.

Saad ni Sunshine: “Im happy for Tita pinky. why are you wasting your time on me? diba nga laos na ko sabi mo.

“Not everyone in this business is after fame dear may taong tulad ko na wala ng gustong patunayan masaya na ako that im able to create beautiful characters and be part of beautiful stories.”