Vice Ganda pokes fun at issue between Kamikazee and Sorsogon governor during performance

Kinanta ni Vice Ganda ang sikat na awitin ng Kamikazee na “Narda” sa Capitol Park, Sorsogon City, noong nakaraang October 8, 2023.

Kasama ni Vice bilang panauhin sa lugar ang mga komedyanteng sina MC at Lassy.

Sabi ni Vice sa isang bahagi ng kanyang spiel bago siya umawit, “Kaya kumanta ng mga awitin ng mga taong hindi muna makakapunta rito. Okay? So here’s something for you.”

Kasunod nito ang pag-awit niya ng mashup ng “Love Story” ni Taylor Swift at “Narda” ng Kamikazee.

Pagkatapos kumanta, sinabi naman niya na , “Di ba ang sabi ko sa inyo ay kakanta tayo ng mga taong baka hindi muna makapunta dito.”

Ayon kay kay Vice, si Governor Edwin “Boboy” Hamor ng Sorsogon ang nag-request nito sa kanya.

Aniya pa, “Kausap ko si Gov. Si Gov ang mismo nag-request niyan.

“Sabi ni Gov, ‘Kantahin mo naman, o.’ Kahit kalahati, kahit hindi ko masyadong alam ang kanta, pinagbigyan ko na din. I love you, Gov.”

Habang nag-uusap naman sina Vice, MC, at Lassy, biglang sinabihan ni Vice si Lassy ng, “Nang dumating ka ng airport dito, nang dumating ka ng Sorsogon, ang sama ng tingin ng mga tao?”

Tanong ni Lassy, “Ha? Bakit?”

Saad ni Vice, “Akala Kamikazee ka, e.”

Biro pa niya sa audience, “Charot lang. Kami kasi ang magpi-perform.”

Matatandaang noong October 1, 2023, pinauwi ni Governor Hamor ang Kamikazee na nakatakda sanang mag-perform noong araw na iyon sa fiesta ng Casiguran, Sorsogon.

Si Vice naman ay magiliw na pinagbigyan ang hiling ng gobernador.