Vina Morales, single at “hindi in love”; may co-parenting set-up na with Cedric Lee

Blooming si Vina Morales nang dumalo sa premiere night ng pelikulang Sunny na magso-showing na sa mga sinehan sa Miyerkules, April 10, 2024

Ang saya pa niya na kumakanta at sumasayaw sa red carpet kasama ang kanyang 14-year-old daughter na si Ceana.

Mahiyain ang bagets, na mukhang walang hilig mag-showbiz. Kapag may options lang daw, baka i-consider niyang pasukin ang pag-aartista.

Vina Morales and daughter Ceana Lee

CO-PARENTING SET-UP WITH CEDRIC LEE

Doon na rin ibinahagi ni Vina na okay na raw sila ng ama ng kanyang anak na si Cedric Lee.

Matatandaan noon na umabot pa sa demandahan ang isyu ng dating mag-partner.

Pero ngayon ay okay na raw sila, para sa kanilang anak na si Ceana.

Ani Vina, “I’m very happy to announce that we’re co-parenting. We’re civil. Okay na. They always find time with each other.

“Actually, this weekend, Saturday and Sunday, they were in Tagaytay. Kasama niya yung dad niya.”

Mas masaya raw ang lahat, lalo na si Ceana.