Xian Lim la.got sa matinding pasabog ni Kim Chiu, sey ni Cristy Fermin

Xian Lim lagot sa matinding pasabog ni Kim Chiu, sey ni Cristy Fermin

KUNG magsasalita raw ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu tungkol sa kanilang hiwalayan, baka ito na raw katapusan ng career ni Xian Lim.

Maraming na-curious kung ano nga kaya ang tinutukoy sa chika na kapag daw pinasabog ni Kim ay talagang maaapektuhan si Xian nang bonggang-bongga.

Isa ito sa pinag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa nakaraang episode ng kanilang programang “Cristy Ferminute.”

Sabi ng award-winning TV-radio host at veteran entertainment columnist, may isang source na nagchika sa tungkol sa balitang ito.

“Mabait itong si Kim Chiu. Respetedo niya ang kaniyang kapuwa. Edukado siya. Kapag ito ang nagsalita, matinding pasabog ang kalalabasan,” simulang pagbabahagi ni Nanay Cristy.

Aniya pa, “Kapag nagsalita na raw si Kim Chiu, good bye na sa kaniyang career si Xian Lim. Ano kayang ibig sabihin noon?”

Reaksyon naman ni Romel Chika, “Naku, Nay! Ano kaya ‘yung sasabihin na gusto nating malaman at ipapaalam sa atin ni Kim Chiu kapag nagsalita siya.

“Ano ba ‘yan, naku! Iba-iba tayo ng iniisip,” sey pa ni Romel.

“Totoo. Totoong-totoo ‘yan,” tugon naman ni Cristy.

Ayon pa sa radio-online host, kilala raw talaga si Kim na napakabait at tahimik lang na tao. Kahit nga raw noong nag-break sila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson ay wala siyang sinabing masama about the actor.

“Ewan ko lang this time, ha. Dito kay Xian Lim. Kasi mukhang pabor sa kanya ang lahat ng tao na ‘mabuti naman nagtanggal ka na ng helmet sa ulo. Nauntog ka na sa katotohanan,’” pahayag pa ni Nanay Cristy.

Parehong nag-issue ng official statement sina Kim at Xian sa kani-kanilang Instagram page tungkol sa kanilang paghihiwalay bago nagbabu ang 2023.

“We owe our supporters the truth, but we also respect each other’s time of healing. In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough.

“We shared more than a decade of love, each other’s support system, and many beautiful memories.

“It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship.

“We thank all our followers for their love and support, but now we ask you to appreciate our honesty and give us the privacy we need as we begin new chapters of our lives. To all our supporters, maraming salamat for all the love and understanding.

“To Xi, thank you for the almost 12 years of beautiful memories together … You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is.

“As we close this chapter of our lives, I ask for everyone’s kindness and respect. I hope this clears everything as we all move forward with our lives,” ang pahayag ni Kim sa breakup nila ni Xian.