Nasa Hoi An, Vietnam, ngayon ang aktres na si Yassi Pressman.
Kasama niyang nagbabakasyon doon ang rumored boyfriend na si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Sa Instagram niya kagabi, January 1, 2024, nagbahagi si Yassi ng ilang larawan niyang namamasyal sa Hoi An.
Sa caption, sinabi ni Yassi na hindi maganda ang takbo ng kanyang 2023 pero nakayanan naman niya ito.
Umaasa siyang maganda ang hatid ng Bagong Taon sa kanya.
Aniya, “last year was such a rollercoaster, but the ride, be it scary sometimes, will always be fun.
“so excited for 2024, to all your highs and lows, stops and go-sss, laughs and cries (hopefully more for joy tho) and for the opportunity for us to breathe more, share more, learn more, give more, live more & love more. “first day of the year in a place I’ve never been before, here’s to new life discoveries”
Samantala, walang bagong Instagram post si Luigi tungkol sa Vietnam trip nila ni Yassi.
Pero sa kanyang New Year’s Eve message, kasama ang larawan nila ni Yassi sa photo collage na ipinost niya.
PHOTO: Courtesy: Instagram
Saad niya sa caption, “happy new year to everyone! 2023 was a year when prayers and blessings came true [praying hands emoji] excited for what’s to come!”
View this post on Instagram
A post shared by Vincenzo Luigi Villafuerte (@vincenzo.luigi)
Heart emojis ang komento ni Yassi sa kanyang post.
Tinawag naman silang “lovebirds” ng isa nilang kaibigan.
Ayon dito, “@yassipressman happy new year lovebirds. Visit Achi in The farm”
Hindi pa tuwirang umaamin sina Yassi at Luigi sa namamagitan sa kanila.
Sa panayam kay Yassi sa Fast Talk With Boy Abunda noong September 14, 2023, sinabi nitong masaya siya kung anong mayroon sila ngayon ni Luigi.
Ayaw rin daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay, at imbes na magpaapekto sa negatibong sinasabi ng iba ay mas gugustuhin niyang maging masaya na lang.
Saad ni Yassi, “Ano lang din po, Tito Boy, I’m very happy to be spending more time together.
“Again, I don’t wanna put labels in anything anymore. Not rushing into anything anymore.
“So, parang kung saan na lang po ako nagiging masaya. Kasi mahirap po talaga yung pinagdaanan ko.
“And now, sometimes feeling ko, whatever I’m happy, I’ll stay there.”