Alden Richards on deep bond with Julia Montes: “Sasalo ako ng bala…”

Naging emosyunal si Alden Richards nang ilarawan kung gaano kalalim ang namuong pagkakaibigan nila ng leading lady na si Julia Montes at ng direktor na si Irene Villamor sa set ng pelikulang Five Breakups And A Romance.

Alden Richards and Julia MontesConsidering na unang beses makatrabaho ni Alden si Julia, handa raw niyang ialay ang buhay sa Kapamilya actress pati na sa kanilang direktor.

Nagdetalye nang kaunti si Alden sa malalim na pinagdaanan nila habang nagsu-shoot ng pelikula kaya nabuo ang closeness nila.

“Kami pong tatlo, when we started [doing the movie], parang we were not in a good place in our lives.

“But this film have done something in our lives, na changed us and made us stronger,” sabi ng naiiyak na si Alden sa presscon ng pelikula noong October 4, 2023.

Sabi pa ni Alden patukoy kay Julia at sa kanilang direktor: “Sasalo ako ng bala sa dalawang ito, e.”

Inusisa si Alden ukol sa tinuran niyang “not in a good place.”

Sagot ng Kapuso actor, “I don’t wanna go into details, pero it’s very personal.

Alden Richards relies on this hygiene product to stay fresh and cool during busy days | PEP.ph

“But I think all I can share is how much good yung nagawa, yung paggawa ng Five Breakups And A Romance sa buhay ko during that time. Alam ni Direk yon, alam ni Jules yon.”

Sentimental na sabi pa ni Alden, “Nakuwento ko sa kanila, and sometimes you think you’re strong.

“Minsan iisipin mo parang tingin mo sa mundo, ‘Okay lang ako mag-isa. Kaya kong mag-isa.’ Pero hindi yon, e.”

Nagmarka raw ang pelikula sa kanya hindi lang dahil sa script, sa talent fee, at sa opportunity.

Base sa pahayag ni Alden, tila nais niyang ipahayag na sa isang grupo, mahalaga ang ginagampanan ng bawat miyembro, malaki man o maliit ang parte.

Napagtanto raw ni Alden ang kahalagahan ng pagkilala sa kontribusyon ng bawat isa mula sa artista hanggang sa lightsman at gaffers.

“There are no small roles. Everyone needs to be acknowledged, everyone needs credit for all the successful things that they have been part of,” sabi niya.

JULIA ON WORKING WITH ALDEN

Base sa pahayag ni Julia ay sinasang-ayunan niya ang sinabi ni Alden.

Julia Montes - Profile Images — The Movie Database (TMDB)

Aminado si Julia na malaki ang kanyang insecurity sa sarili, pero pinataas daw nina Alden at Irene ang kanyang self-confidence sa pagsasama nila sa pelikula.

Marahil ito ang dahilan kung bakit nasabi ni Julia na naging “safe place” ang kanilang set.

Sabi ni Julia ukol kay Alden, “He really proved to me na he’s really generous, talented…”

Ang pelikula raw na ito “really made an impact sa akin.”

Nagsisilbing comeback movie ni Julia ang Five Breakups And A Romance pagkatapos ng pitong taon.

Bago nga raw ito ay pinag-isipan pa ni Julia kung hihinto na ba siya sa pag-aartista. Pero napagtanto niya kung gaano niya kamahal ang showbiz dahil sa pelikula with Alden.

Sabi ni Julia, “Ibibigay sa iyo ang project na maha-happy ka, sa soul mo.”

Sabi naman niya sa friendship nila nina Alden at Irene, “If they wanna jump, I will jump.”