Dimples Romana says onscreen chemistry with Christian Vazquez is effortless

Napalayo si Dimples Romana sa kanyang pamilya habang nagti-taping ng teleseryeng The Iron Heart. Nag-location sila sa Cebu at Iloilo.

Kakayanin pa ba niya ang ganoong sakripisyo para sa isang TV series, just in case?

“Yes naman, super-worth it. Kaya pag nakikita namin na na-appreciate ninyo, na-appreciate ng mga tao, parang… parang sulit naman yung pagod saka yung malayo sa family,” sabi ni Dimples sa mediacon noong Setyembre 28, 2023, sa Seda Vertis North Hotel, Quezon City.

Ano ang sabi ng mga anak niyang meron pa silang taping sa abroad?

“They were very happy lalo na Callie. Callie kasi doesn’t live here anymore, di ba, nasa Australia na siya,” tugon ni Dimples.

“Pero she’s super-proud and always trying to watch whenever she can.”

christian vazquez dimples romana the iron heart

SERCUS TANDEM WITH CHRISTIAN VAZQUEZ

Patok ang Sercus tandem nila ni Christian Vazquez sa The Iron Heart.

Meron ba siyang napanood sa movies ni Christian sa Seiko Films gaya ng Liberated (2003) at Liberated 2 (2004)?

Natawa si Dimples, “Ha! Ha! Ha! Ha! Wala pero nakita ko yung picture niya na nakakurtina siya na ano.

“Kurtina yung ano niya. Yung damit niya, kurtina. Nakatapis siya.”

In-expect ba niya na magkiklik ang Sercus (Selene + Orcus) tandem nila?

“Ano kami ni Kuya kasi, magkaibigan na kami dati pa. Lorenzo’s Time [2012] and Bagani [2018] pa,” saad ni Dimples.

“We’re very, very close saka yan ang kasangga ko lagi. So it’s not very difficult for us to create a chemistry.”

Dimples Romana gives birth to third child

Bakit kaya nagustuhan ng televiewers ang tambalan nila?

“I think kasi ang playful niya. At saka siyempre ang bigat nung materyal namin sa The Iron Heart,” sabi ni Dimples.

“So, yung konting ganyan ba na kulitan, inlaban, inisan — lagi namang patok yan sa atin, hindi ba?”

NO MALICE

Pagdidiin ni Dimples, super-super-OK sila ng kanyang Kuya Chris sa set. Wala talagang malisya?

Ngumiti si Dimples, “Ay naku, ewan ko sa kanya! Pero sa akin, wala. Ha! Ha! Ha! Ha! Joke lang, Kuya!

“Hindi! Diyos ko, ano ba yan?! Wala!!!”

Noong modelo pa lang si Christian at bago lumabas sa “Suportahan ta ka” commercial ng PLDT noong 2001, maraming babae ang nahuhumaling dito.

“I’m sure! Pero kahit naman din siguro ako, maiinlab din naman ako kay Kuya.

Get your Shawtout from Dimples Romana

Napakaguwapo ni Kuya,” sambit ni Dimples.

“Hindi halatang 65 na siya! Di ba? Ha! Ha! Ha!”

Biro lang iyon ni Dimples at nilinaw na 46 years old pa lang ang kinukuya-kuya niyang si Christian.

Dagdag ni Dimples, “Pero I always tell him talaga, napakaguwapo niya. Di ba, ako pa man din, I’m very appreciative like that.

“Hindi ako para magtago ng feelings na, ‘Uy, Kuya, ang guwapo mo…’ Ano naman.”

“Kuya” ang tawag ni Dimples kay Christian. Hindi niya ito tinatawag na Daddycakes.

“Yung mga Selene’s Girls. Yung mga Girls ko, napansin ko, Daddycakes ang tawag sa kanya,” lahad ni Dimples.

“Sabi ko, ‘Hoy, Kuya! Bakit Daddycakes ang tawag sa yo?’ ‘E, kasi, di ba, Babycakes kita?’ ‘O di ba, ako dapat ang tumawag sa yo, bakit sila, tinatawag kang Daddycakes?’

“Pero biruan naman. Ang tawag niya sa akin, Babycakes, Babylove.”

LOVE TEAM AT DIMPLES’ AGE

Na-imagine ba niya na sa puntong ito ng kanyang career ay magkakaparoon pa siya ng…

Sambot ni Dimples, “Love team? Eto, eto yung marka niya. Di ba, ang cute? Pero ako, siguro ho, parang natutuwa na lang ako.

“Kasi sa mga panahong ito, kahit na hirap tayong gumalaw pa din, di ba? Kasi siyempre, dati sanay tayo, one to sawa yung oras. Ngayon, mas strict na.

“And maganda rin for us. Kasi for our health and strictly sinusunod naman iyan ng Star Creatives.

Dimples, Christian mami-miss ang isa't isa

“Ako lang, natutuwa ako na parang even until… kasi, ako po ngayon, I’m 38. So in about two months, I turn 39.

“Kuya is 46, he’s as old as my husband. So parang… amazing lang how you know stories evolve and nagkiklik pa din na may ganung love angle.

“Kasi I’m sure, kayo din, pag nagka-love life na ganun, di ba, ang kilig, walang pinipiling edad.”

If ever na may movie sila, game ba siyang makipag-kissing scene kay Christian?

“Puwede naman po siguro, pero baka kasi matawa ako!” natatawang bulalas ni Dimples.

Totoo bang sa isang eksenang face-to-face sila, nilawayan niya si Christian?

“Ba’t ko naman siya lalawayan?! Diyos ko! Wish naman niya yun masyado, di ba?”

Pagtawa raw kasi niya, tumalsik ang laway niya sa mukha ni Christian…

“Ahh yung tawa ko, natalsikan siya ng laway. E, mabuti nga, may laway na lumabas kesa sa wala. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Hindi naman siya nalawayan ni Christian? Hindi siya natalsikan ng laway nito?

“Ay! Hindi ako magpapalaway kay Kuya!” sambit ni Dimples.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Feeling ko, iyan ang headline natin — Dimples, ayaw magpalaway kay Christian. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Nasa finale week na ang aksyon seryeng The Iron Heart, at sa Japan mangyayari ang huling misyon ni Apollo (Richard Gutierrez).

Noong Oktubre 6, Biyernes, plano ni Apollo na paikutin ang buong Tatsulok. Pagpapanggap lang pala ni Apollo ang pagpanig kina Priam (Albert Martinez) para makuha ang loob nito at malaman ang impormasyon tungkol sa Altare.

Sa huling misyon niya, gagawin ni Apollo ang lahat ng kanyang makakaya para tugisin na si Eros (Jake Cuenca) at pagbayarin sa mga kasalanan nito.