Nadia Montenegro says many young stars today are “monsters, spoiled brats”

Ikinumpara ng aktres na si Nadia Montenegro, 51, ang buhay ng mga artista noon at ngayon.

Sabi ni Nadia, mas magaan ang buhay ngayon ng mga artista kumpara noong panahon nila.

Si Nadia ay ‘80s star at naging Regal baby. Ilan sa kasabayan niya ay sina Gretchen Barretto at Richard Gomez.

Nadia Montenegro

“Like what I say to every actor that I meet, especially sa young generation ngayon, napaka-blessed ninyo, napaka-blessed nilang lahat,” sabi ni Nadia sa YouTube vlog ng anak niyang si Ynna Asistio noong September 30, 2023.

Noong panahon daw nila, mas mahirap ang kalagayan ng mga artista.

Hindi raw uso noon ang aircon, tent, silya sa set. Kanya-kanyang folding bed at puwesto raw ang mga artista noon.

“Even our workshop was not a joke. Kasi nung araw, kailangan marunong kang kumanta, sumayaw, mag-host, umarte, maglakad, humarap sa tao. Hindi tulad ngayon.”

Diin ni Nadia, “The ‘80s, ‘70s, ‘60s stars deserve much more respect in this industry than we’re getting now. Just because…”

May pahaging pa si Nadia na maraming baguhang artista ngayon na umaakyat sa ulo ang kasikatan.

“Kasi now, alam mo, dami naki-create na mga monsters, spoiled brats. Maraming spoiled brats na artista na akala mo…

“Hija, hijo, chill ka lang. Hindi yan ang [dulo]… dinadaan ka lang diyan. Find your real destiny,” sabi niya.

Malaki raw ang kinalaman ng tamang pag-uugali kung bakit sa kabila ng maraming taon ay aktibo pa rin at nabibigyan ng trabaho si Nadia sa showbiz.

Mahalaga raw ang pakikisama sa mga katrabaho.

“[I was] never ashamed to introduce myself, being humble, and introducing yourself, being polite, and respectful to everyone…

“Being friendly is such a blessing. Being nice to everyone,” sabi niya.

PHOTO: YouTube (Behind the Scenes with Ynna)

Ikinuwento rin ni Nadia kung paano siya nadiskubre kasama si Gretchen.

Pareho raw silang estudyante noon sa Colegio San Agustin sa Makati City.

Naghahanap daw noon ng mga bagong mukha ang Regal Entertainment (dating Regal Films) ni Mother Lily Monteverde.

Taong 1984, sabay silang nag-audition ni Gretchen ginawang talents ng Regal.

“Eleven [years old] lang ako noon. Tapos biglang pinapipirma ka ng kontrata ng… I think our first contract that we signed ni Gretchen was two or three years. But that was 10 movies per year.

“Nung time na yon, I think P20,000 lang yata per movie. Ang laking pera na nun before.”

PHOTO: YouTube (Behind the Scenes with Ynna)

Ang increase na nakukuha raw nila noon ay PHP10,000.

Pumatok noon ang launching movie nila ni Gretchen na 14 Going Steady, kung saan kasama nila si Janice de Belen.

Pagkatapos noon ay nagtuluy-tuloy na ang kanilang showbiz career.