Dimples Romana answers this question: “Where is Angel Locsin?”

Hindi umiwas si Dimples Romana, 38, nang hingan ng update tungkol sa pagiging MIA o missing in action ng kanyang matalik na kaibigang si Angel Locsin, 38.

Higit isang taon nang hindi nakikita ng publiko si Angel.

August 13, 2022 pa nang huli siyang masilayan ng publiko via Instagram post, pero binura rin niya ito.

Hindi rin aktibo sa Instagram si Angel, na ang huling post pa ay noon pang August ng nakaraang taon.

Mas aktibo pa sa social media ang mister niyang si Neil Arce, pero kahit sa mga post nito ay hindi niya ipinapakita si Angel.

Angel Locsin and Dimples Romana

Sa interview ng vlogger na si Kiko Escuadro noong October 14, 2023, malugod na nagsalita si Dimples nang usisain siya ukol kay Angel.

“Hindi ako nagsasawang sagutin about her. I’m always fond of people checking up on her.

“I feel it is not just coming from concern, but also pagka-miss niyo sa kanya,” bungad ni Dimples.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “I try to see her every now and then. Ako, I’m very happy that she’s taking this time off.”

Pagkatapos ay inisa-isa ni Dimples ang philanthropic deeds ni Angel, na kilala sa pagtulong sa panahon ng mga kalamidad.

Lagi raw pinapaalalahanan ni Dimples si Angel na maghinay-hinay dahil sa dami ng ginagawang trabaho at pagtulong.

Saad ni Dimples, “Siya yung nauuna doon [sa pagtulong], and ako ang lagi kong dasal sa kanya dati, sabi ko sa kanya, ‘Gel, please, maghinay-hinay ka kasi yung katawan mo. Tayo, hindi tayo bumabata, baka mamaya magkasakit ka.’

Angel Locsin - Wikipedia

“So ngayon, inaalagaan niya ang sarili niya. Nandiyan si Neil, ine-enjoy niya ang married life niya. Tahimik ang buhay niya. Ang saya-saya ko para sa kanya.”

Balik-tanong ni Dimples, “Don’t we all wish that?

“Alam mo, kung kaya ko yun gawin gagawin ko, e, di ba?

“Pero hindi natin kaya. Only Angel Locsin can do that. [Sa] totoo lang, aminin mo!” natatawang sabi niya.

ANGEL LOCSIN’S BIG DECISION

Masaya raw si Dimples na nag-slow down ngayon si Angel at binibigyan ng oras ang sarili.

Aniya, “It’s a big choice, ‘no. But it’s also a choice that I feel is making her happier. So, masaya ako.

“Yung best friend ko na yon, talagang iisipin mo, pakahusay talaga niya, naisip niya yon, na at this age, dahil andami [niya] naman nang trabahong ginawa…

“She was very selfless, e. She was always giving herself.

“And at this time, when she chose to remain calm, be in the house, enjoy married life, yun sa akin, kabilib-bilib.”

Bullied in high school, Angel Locsin finally gets apology

MISSING IN ACTION?

Inusisa si Dimples kung nakausap ba niya si Angel tungkol sa pagiging MIA nito.

Ang tiniyak ni Dimples ay patuloy ang pagtulong ni Angel bagamat hindi ito visible.

Paliwanag ni Dimples, “Etong nakakatawa diyan, I would tell you, kahit yan ay MIA, hindi yan MIA sa buhay ng mga taong tinutulungan niya.

“Hindi lang kasi siya masalita. Kahit ako pa siguro sabihin ko sino tinutulungan niya, ayaw niya pa rin yon. Kasi ayaw niya nga pinagsasabi yung tinutulungan niya.

“But I would tell you na kahit hindi mo siya nakikita, hindi ibig sabihin ay hindi siya tumutulong.

“Kilala ko siya. Magkaibigan na kami ilang dekada.”

Sa pagkakakilala raw ni Dimples kay Angel ay hindi nito gusto pang i-post o ipakita sa camera ang ginagawa niyang mga pagtulong.