Boss Toyo, nagpasintabi umano kay Pia Magalona bago i-upload ang video ni Abegail Rait, ‘love child’ nito kay Francis M

Nilinaw ni Jayson Luzadas, o mas kilala bilang si ‘Boss Toyo,’ na nagpasintabi siya sa misis ni Francis Magalona na si Pia ilang araw bago i-upload ang viral video ni Abegail Rait at umano’y love child nito sa late rapper na si Gaile Francesca.
Boss Toyo, nagpasintabi umano kay Pia Magalona bago i-upload ang video ni Abegail Rait, love child nito kay Francis M

Nilinaw ni Jayson Luzadas, o mas kilala bilang si “Boss Toyo,” na nagpasintabi siya sa misis ni Francis Magalona na si Pia ilang araw bago i-upload ang viral video ni Abegail Rait at umano’y love child nito sa late rapper na si Gaile Francesca.

“I did text her twice to inform her na nagpunta si Abegail and the kid. And I informed her also through text na naka-schedule siya ng 8 a.m. to be uploaded,” ani Boss Toyo sa panayam niya kay Julius at Christine Babao sa TV5.

“I didn’t get a response, so sabi ko baka… I don’t know. Kasi alam ko rin ‘yung mafi-feel ni Ma’am Pia about it. Alam ko naman ‘yun eh. Hindi naman ako magga-gaslight na hindi ko alam na may masasaktan,” aniya.

“Pero kasi kahit hindi siya sa akin lumabas, lalabas siya eh.”

Iginiit din ni Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars PH na wala umano siyang masamang intensyon sa pag-post tungkol sa umano’y mistress ng yumaong si Francis M at anak nila na si Gaile.

“I didn’t bother to call kasi nahiya na rin ako [kay Ma’am Pia] kasi hindi ko alam kung papaano sasabihin. Kasi alam ko syempre ‘yung pakiramdam,” aniya. “Pero nangyari na, and nailabas na sa publiko.”

“I [don’t] know if I need to say sorry to anyone pero pwede ako mag-apologize if may nasaktan or what. Alam niyo naman ako, hindi naman tayo masamang tao. It’s all business for me. Lahat naman ng ginagawa ko sa buhay is for business, paano kumita. So…” paliwanag niya.

Ayon pa kay Boss Toyo, hindi rin nila inaasahan ang magiging reaksyon ng publiko sa kanyang video.

“Actually hindi ‘yun ‘yung ine-expect namin. It’s all positive, maraming positive, maraming nagulat, may konting bash, pero konting konti. May konting nagco-condemn kay Ma’am Abegail, and that’s natural kasi sinabi rin naman niya na she’s ready for it,” aniya.

“Actually, bago ko siya i-upload, we’ve been contacting each other na hindi siya nakakatulog, na kinakabahan siya. ‘Hindi ako nakakatulog, Boss Toyo. Inaantay ko ‘yung upload.’ Kasi na-postpone eh, supposedly ia-upload ko siya ng Monday. Eh nag-decide ako na hindi kasi ipapaalam ko muna kay Ma’am Pia. So I did text Ma’am Pia nung Monday (Ocotber 16).”

Samantala, maging si Boss Toyo ay nagulat din umano nang malaman ang tungkol sa nasabing mistress at love child ng kanyang “idol” na si Francis M.

“Wala po akong idea na merong gano’n, na si idol natin na si Sir Francis—nagulat po tayo. Pero ang sa akin, OK lang naman ‘yon kasi meron talagang mga gano’ng pangyayari na ‘di natin inaasahan,” aniya sa panayam sa One Balita Pilipinas.

“Pero nagulat talaga. It’s a big revelation ‘yung nangyari. Actually inisip ko pa nga kung talaga ia-upload ko siya or what eh. … Siyempre because of the other side din of the story.”

Sa kasalukuyan ay maroon nang higit sa 23 million views ang nasabing video tampok ang istorya nina Abegail at Gaile sa Facebook, habang may 2.4 million views naman sa YouTube.

Matatandaang 2009 nang yumao si Francis M matapos magkaroon ng sakit na leukemia.