Sharon Cuneta, nagpaubaya na sina Gabby at KC Concepcion ang magkasama sa Pasko

Magkasama sa darating na Pasko ang mag-amang Gabby at KC Concepcion.

Sharon, Gabby fulfill KC's dream

Isiniwalat ito ni Sharon Cuneta sa mediacon ng pelikulang Family Of Two (A Mother And Son Story) noong Disyembre 3, Linggo, sa Novotel hotel, Quezon City.

Pahayag ni Shawie, “Simple lang akong mag-Pasko, simple lang kami lagi. It’s always just… noche buena, kami lang, just my immediate family.

“But it will be the first Christmas na KC will be spending with her papa. So she was asking me but I said, ‘I was just about to tell you, I was just about to text you to spend it this year with him.’

“Coz he’s 60 now and they’ve never spent Christmas together. Tapos… so, it’s gonna be different for me.

“A little sad, a little… but happy, OK na, you know. I’m happy for them also, coz they’re making up for lost time.

“So, ganun lang, simple, masaya pa rin. Kain lang, tapos magdadasal kami. Tapos mag-o-open ng konti lang na gifts like siguro five each person.

“Oo, five muna. Kasi the next morning yung talagang opening ng gifts…”

KC Concepcion on Sharon Cuneta, Gabby Concepcion concert: 'A fairytale come true' | GMA News Online

Ikinasal sina Sharon at Gabby noong Setyembre 23, 1984 sa Manila Cathedral.

Isinilang ang supling nilang si KC noong Abril 7, 1985.

Agosto 1987 napabalita ang kanilang paghihiwalay.

Setyembre 1987 ipinalabas ang pelikula ni Sharon na Pasan Ko Ang Daigdig.

Nagkasama-sama sina Sharon, Gabby at KC sa Dear Heart concert noong Oktubre 27, 2023, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa gitna ng sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz, kahit paano, pambalanse naman itong mga nagkakasundong dating magkarelasyon.

Naging successful ang Dear Heart concert nina Sharon at Gabby. Naging positibo ang resulta, kaya mas maganda kapag nagkakasundo na.

Si KC ang pinakamasaya sa lahat.

Medyo mabigat man kay Sharon na hindi niya makakasama ang panganay niya sa Pasko, masaya pa rin naman siya dahil makakasama nito ang ama.

Yun naman ang gusto ng mga nanay, maging masaya lang ang kanilang mga anak.

Pero mas masaya ang mga Sharon-Gabby fans kung masusundan itong Dear Heart concert nila.

Inaayos pa raw ang U.S. tour nito pero hindi pa nila masabi kung kailan at saan-saan sila mag-iikot dahil ngayon pa lang ay puno na ang schedule ng Megastar.

Si Gabby naman ay may bagong drama series sa GMA-7 pagkatapos ng Stolen Life. May ilang pelikula pa siyang tinanggap.

Pero sana, maisingit nila sa kanilang schedule.

Sharon Cuenta - POLITIKO

Meron pa nga kaming narinig na binubuong project, pero hindi ko pa tiyak kung pelikula itong gagamiting title na P.S. I Love You.

Sana, isa ito sa magandang aabangan natin sa 2024.

If there’s anything na magandang nagawa ng Dear Heart concert ay nabuhay muli ang line of communication ng dating pamilya nina Gabby, Sharon, at KC.

At least, malaya at bukas na silang mag-usap kung anuman ang kanilang gustong mangyari sa anak nilang si KC.

But actually, KC is of age na, na puwede at kayang-kaya nang magdesisyon para sa kanyang sarili.

Mapalad siya na dalawang sets ng magulang at kapatid meron siya. At si KC talaga ang nakamana ng magagandang features nina Sharon at Gabby.

Pero alam niyo ba na sa mga nakapareha at na-link kay Sharon, si Goma (Richard Gomez] naman ang ka-birthday ni KC, at alam kong OK na OK sila nina Goma at Lucy.

Ang liit ng industriya namin, ano? Kaya nga dapat magsuportahan na lang because there is enough room or space for everyone. Dapat alagaan lang, ha!