Chie Filomeno on “low-key” relationship with Jake Cuenca: “I just don’t want to be Jake Cuenca’s someone or significant other”

Mababanaag sa aura ni Chie Filomeno na masaya siya sa estado ngayon ng kanyang career at love life.

Kumusta na sila ng boyfriend na si Jake Cuenca?

Masayang sagot ni Chie, “We’re happy. We’re really happy.

“And keeping things low key.

“Siyempre, first time ko rin na… Siyempre we know naman na he’s already Jake Cuenca, but to think na parang nirerespeto niya yung gusto kong mangyari, yung time.

“Siyempre I just don’t want to be Jake Cuenca’s someone or significant other.

“So, he’s very respectful sa aspect na yan and I’m really happy.”

CHIE AND JAKE’S LOW-KEY RELATIONSHIP

May mga limitasyon ba sila sa kanilang relasyon o kung ano ang dapat nilang ibahagi sa publiko?

Ayon kay Chie, gusto nilang mapanatiling pribado ang kanilang relasyon kahit alam ng publiko ang tungkol sa kanila.

Ayaw raw kasi niyang maraming makialam sa kanilang relasyon.

“Well, usual pa rin kung ano yung private life. It’s not a secret.

“So I’m just keeping it private para hindi na maraming tao mag-meddle din.”

Masasabi ba talagang happy siya ngayon?

Sagot ni Chie, “Yes. Really happy with everything—my career, my love life, my family.

“I’m just really happy. With my management, lahat, with SkeenCare.

“I’m just really happy lahat sa blessings na ibinibigay.

“And andito po kayo ngayon. Salamat dahil part po kayo ng journey.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press at vloggers si Chie sa launching nito bilang kauna-unahang endorser ng SkeenCare, isang skin care brand, noong May 25, 2024.

Ginanap ang launching sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City, Taguig City, kung saan dumalo ang CEO ng kumpanya na si Miss Nars Caballero (right) at COO na si Miss Lei Langamin (left).

“OVERWHELMING FEELING…”
Emosyunal si Chie sa pagkapili sa kanya bilang unang endorser ng SkeenCare. Hindi raw siya makapaniwalang pinagkatiwalaan siya bilang ambassador.

Saad niya, “Siyempre ano, e, yung overwhelming feeling na someone trusts you na iano yung brand nila.

“And siyempre hindi lang to ako, e, sila yung kasama ko dito.

“We will use the platform para iano yung mga unique na beauty, also to help everyone sa wellness journey nila.

“Andito kami to help them.”

Sa tingin ni Chie, ano yung mga katangian niya kung bakit siya ang napili?

Sagot ni Chie, “I think yung no filter. Authenticity also na meron ako.

“Kasi yung laging sinasabi sa akin nila Direk Lauren [Dyogi], na never ko tanggalin sa sarili ko, the authenticity that I have.

“Kasi nagra-radiate yan sa camera, nakikita ng tao, e.”

Dumalo rin sa pagtitipon ang board of directors and consultants ng skin care product na iniendorso ni Chie.