Abegail Rait, who claims she had a past with Francis M., fails barangay kagawad bid in Imus, Cavite

Hindi pinalad manalo sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections ang diumano’y nakarelasyon noon ng namayapang OPM rapper na si Francis Magalona.

Abegail Rait

Si Abegail Rait, dating flight attendant, ay lumantad noong Oktubre upang isiwalat ang naging relasyon niya noon kay Francis M.

Kasabay ng kanyang paglantad ang pagpapakilala sa naging bunga umano ng pagmamahalan nila ng yumaong rapper — si Gaile Francesca, 15.

Pumanaw si Francis M. dahil sa acute myeloid leukemia noong March 6, 2009. Siya ay 44.

Babaeng nakarelasyon umano ni Francis M., muling lumantad para ipakilala ang kanilang anak Alleged love child of Francis Magalona speaks up: “I am my father’s daughter.”

Tumakbo si Abegail bilang kagawad sa Brgy. Toclong 2-B Imus, Cavite, sa BSK na ginanap noong Lunes, October 30, 2023, subalit hindi siya nakapasok sa mga nanalo.

Sa kanyang Facebook page, nagkomento si Abby na pangwalo siya sa botohan at hindi nakapasok sa pitong nanalong kagawad.

Nag-post din siya ng pasasalamat sa kabila ng pagkatalo sa eleksyong pambarangay.

Bahagi ng post ni Abegail, “It is with humble appreciation to all the supporters who fought for us a good battle and rest assured that we are one in serving goodwill with earnest effort to find ways to make our better community to come together.

“Maraming Salamat sa inyong lahat!”

Sa Facebook page naman ng kanyang anak na si Gaile, ipinost ng dalaga ang pagsuporta sa ina.

Kalakip ang larawan nilang mag-ina, ito ang caption ng dalaga: “We wont close the book but will turn the page and begin new chapter together. I love you Mommy!”

Ex-lover, Anak sa Labas ni Francis M Lumutang!

Pinag-usapan si Abegail nang maitampok siya sa vlog ng content creator na si Boss Toyo noong October 17, 2023.

Dito ay ibinunyag ni Abegail na nakarelasyon niya noon si Francis M., at ipinakilala ang naging bunga umano ng kanilang pagsasama na si Gaile.

Dito rin ay inanunsiyo ang intensiyon ni Gaile na pasukin ang showbiz.