Alleged love child of Francis Magalona speaks up: “I am my father’s daughter.”

Hindi raw apektado sa sinasabi ng iba ang nagpapakilalang anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Si Gaile Francesca, aka, Chesca, 15, ay ipinakilala sa publiko ng ina niyang si Abegail Rait, dating flight attendant na nagpakilalang lihim na nakarelasyon noon ni Francis M.

Si Chesca raw ang naging bunga ng kanilang relasyon.

Pumanaw si Francis M. dahil sa acute myeloid leukemia noong March 6, 2009. Siya ay 44.

Anim na buwan lamang daw noon si Chesca, kaya’t hindi na nito nakilala at nakagisnan ang umano’y ama na haligi sa OPM music.

Matapos ang rebelasyon ni Abegail tungkol sa anak niya umano kay Francis M., inulan ng batikos at masasakit na salita ang mag-ina.

Pero sabi ni Chesca, ang importante sa kanya ay alam niya ang totoo.

“I don’t mind the comments po kasi I know the story, and so, no comment na lang po ako doon.

“Basta I know the story. That why I’m not affected at all, also my family…” sabi ng dalaga sa exclusive interview ng GMA Integrated News.

Giit pa niya, “All I know is that I am my father’s daughter.”

Inanusiyo rin ni Chesca ang hangad niyang pasukin ang mundo ng showbiz.

Sa edad daw kasi na tatlo ay hilig na niya ang pagkanta at pagsasayaw.

Sa ganitong paraan daw ay maipagpapatuloy rin niya ang legacy ng ama niyang si Francis M.

Matatandaang nagsalita si Abegail ukol kay Chesca at sa naging relasyon umano nila ni Francis M. sa vlog ng content creator n si Boss Toyo noong October 17, 2023.

Ibinenta rin ni Abegail ang ilang mga memorabilia mula kay Francis M sa Pinoy Pawnstars ni Boss Toyo.

Reaksiyon ni Chesca sa pagbenta ng memorabilia ni Francis M., “Nung una po ayaw ko po, pero na-realize ko rin po na kung nasa bahay lang po siya or nakatago lang po siya sa closet…

“And I felt na mas better po siya if pinreserve, since may story din po yung jersey na yon.”