Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista

Umamin na ang basketbolistang si Ricci Rivero sa relasyon nila ng beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren Mae Bautista.

Ito ay matapos ang ilang buwan nang espekulasyong nagkakamabutihan na ang dalawa dahil sa kanilang sightings na magkasama.

Idinaan ni Ricci ang kanyang pag-amin sa pamamagitan ng isang Instagram post ngayong Sabado, October 21, 2023.

Kalakip dito ang larawan ng kanilang mga kamay na magka-holding hands.

Makahulugan din ang caption ng binata, lalo pa’t nabalot ng kontrobersiya ang pag-uugnay sa kanila ni Leren.

Tinawag ni Ricci na “real QUEEN” at “the right one” ang beauty queen.

Post ni Ricci (published as is), “To the girl who i see as a real QUEEN With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.

“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”

Pinuri rin ni Ricci si Leren dahil sa sa patuloy raw nitong pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa sa kabila ng matinding batikos sa dalaga nang magsimulang ma-link sila.

“I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better. Thank you for being so selfless and simple.

“I promise to never again live a life manipulated by someone’s fantasy. This is our story, hindi dapat iba ang mag kwento ng storya nating dalawa!”