Cassy Legaspi gives short answers about friendship status with Kyline Alcantara

Cassy Legaspi on friendship status with Kyline Alcantara

Iwas at tipid na sinagot ng Kapuso TV host-actress na si Cassy Legaspi ang tungkol sa umano’y tampuhan nila ni Kyline Alcantara.

Si Kyline ang nobya ng kakambal ni Cassy na si Mavy Legaspi.

Nag-umpisa ang haka-hakang may hindi pagkakaintindihan ang dalawa matapos mapansin ng mapanuring netizens, noong August 14, 2023, na hindi na naka-follow sa isa’t isa sina Kyline at Cassy sa kanilang mga account sa Instagram.

Marami ang nagtataka sa unfollow-han nilang ito, lalo na’t alam ng marami na close sila noon dahil paminsan-minsan ay magkakasama sila sa mga lakad ng pamilyang Legaspi.

Maging sina Cassy at Darren Espanto, pati na sina Mavy at Kyline, ay nagkaroon na rin ng double date.

Sa mediacon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 official movie entry na When I Met You In Tokyo noong October 26, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Cassy, kasama si Darren.

Dito ay natanong si Cassy tungkol sa pag-unfollow nila sa isa’t isa ni Kyline.

Cassy Legaspi on friendship status with Kyline Alcantara

Tanong kay Cassy, “Once and for all lang, para lang ma-clarify, kasi Cassy may lumabas noong mayroon kayong misunderstanding ni Kyline, yung pag-unfollow niyo sa Instagram, si Darren ba yung reason?”

Pansin ang biglaang pananahimik ng dalaga at pag-iling nito sa katabi niyang si Darren.

Halata ring ayaw itong pag-usapan ni Cassy, kaya naman si Darren na ang sumagot.

Saad ng Kapamilya singer-actor, “Alam niyo po, may mga bagay na hindi na kailangan pang pag-usapan.

“I mean, whatever happened in the past.”

Singit ni Cassy, “Is in the past.”

Pagpapatuloy ni Darren, “Yeah, and if you like everyone to move forward from, you know, from what happened in the past.”

Hindi pa man natatapos ni Darren ang kanyang sinasabi ay mabilis na itong sinundan ni Cassy.

Aniya, “Lahat naman tayo, chill.”

Sundot na tanong ng isang reporter kay Cassy, “So far, paano mo idi-describe yung relationship niyo ni Kyline?”