Coleen Garcia says no ill will between Billy Crawford, Vice Ganda

Hiningan ng reaksiyon si Coleen Garcia tungkol sa matagal nang espekulasyon kung may isyu ba sa pagitan ng mister niyang si Billy Crawford at It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Naging co-host si Billy ng It’s Showtime, mula nang binuo ito noong 2009 hanggang sa umalis siya noong 2018.

Si Coleen ay naging bahagi rin ng Kapamilya noontime show, pero nauna siyang umalis noong 2016.

Mula nang umalis si Billy sa programa, hindi na uli nakitang nakasama nina Billy ang dating mga katrabaho.

Vice Ganda, Billy Crawford unfollow each other on Instagram - The Filipino Times

Sa Preview Ball 2023, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coleen at natanong siya tungkol dito.

“Parang ano naman yun, it’s just like kahit naman yung friends ko during the pandemic and everything, we kinda drift apart,” paliwanag ni Coleen.

Dagdag niya: “It’s hard to keep in touch naman talaga with everybody.

“I wouldn’t say it’s just the same as before na araw-araw kaming nagkikita, whether we like it or not, araw-araw kaming nagkikita.

“Ngayon, bihira ko na lang silang makita. Di naman sila gaanong nag-a-attend dito [sa Preview Ball], like sila Jugs, Kuya Kim…

“And di lang naman din sila talaga nakikita.”

Paglilinaw ni Coleen, walang isyu sa pagitan nina Billy at Vice.

“Kung ano man yun, sa kanila na yun, mas okay na sila na lang ang tanungin niyo.

“Pero yung sa amin at sa kanila, as of now, wala naman.”

Matagal ding napahinga si Coleen sa showbiz mula nang mabuntis at ipanganak niya si Amari noong kasagsagan ng pandemya.

Hiling ni Coleen na sana ay magkrus ang landas nila ng mga taga-It’s Showtime ngayong aktibo na siya ulit sa showbiz.

Aniya, “Sana magkita kami. Actually, ngayon na lang ako nag-i-event uli, ngayon na lang ako lumalabas uli.

“I’m starting to reconnect with old friends. Hopefully, makita ko sila uli.”

Wala si Ruru Madrid sa Preview Ball? Anong say ni Yassi kina James and Issa? | PEP Challenge

ON PARENTING

Kinagigiliwan sa social media ang anak nila Billy at Coleen na si Baby Amari.

Pagmamalaki ng aktres, masaya sila dahil isang mabait na bata ang anak na tatlong taong gulang na ngayon.

“Sana makuha niya lahat ng best qualities naming dalawa [ni Billy]. Di namin maiiwasan na makukuha niya yung temper ko, nakikita ko na yun.

“Pero other than that, he’s such an angel, hindi siya ma-tantrums, napakabait na bata.”

Tinanong namin si Coleen kung may balak na ba sila ni Billy na masundan na si Amari.

“I feel, like, kabubuwelo ko lang. Apart from that, ang sarap ng feeling na natutukan namin si Amari.

“Siguro kung mayroon pa, maybe in a few years pa, ideally. Pero kung mangyari, di hayun, happy pa rin.”

Get your Shawtout from Coleen Garcia

ON GETTING BACK TO WORK

Samantala, aminado si Coleen na naapektuhan sila nang husto ni Billy noong kasagsagan ng pandemya.

Pero pinagpapasalamat niya na balik-trabaho na sila uli ni Billy, na ngayon ay regular na napapanood sa The Voice Generations ng GMA-7.

“Those are really uncertain times din nung pandemic. Siya rin very full of worries, anxieties…

“Kaya mabuti na rin, na-prove na rin everything falls into place.”

Ngayon ay sunud-sunod naman daw ang pagdating ng proyekto.

“Yes, actually, he wanted to be here tonight, pero mayroon siyang The Voice, so hayun,” ani Coleen patungkol kay Billy.

Si Coleen naman ay napanood sa Vivamax movies na Adarna Gang at Kaluskos noong 2022.

Bumida rin siya sa Viva One digital series na Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, na ipinalabas noong Agosto.

Sabi ni Coleen tungkol sa kanyang adjustment sa trabaho, “I mean, any work naman, any job, pag nawala ka ng matagal, maninibago ka talaga.

“But I’m hoping to work more and more para I could really get where I really want to be when it comes to my skills.”

Coleen Garcia celebrates husband Billy Crawford on his 39th birthday | ABS-CBN News

ON PREVIEW BALL 2023

Isa sa mga artistang dumalo sa katatapos na Preview Ball 2023.

Para kay Coleen, labis ang pasasalamat niya sa magazine na naging parte ng kanyang journey bilang isag aktres at bilang isang ina.

“I feel so happy to be here. Preview feels like a home to me. I’ve done memorable covers with them.

“My favorite would be definitely would be yung maternity shoot ko which we launched in Preview.

“It’s something so familiar to me, I love the people behind Preview. It’s such a great community, a great crowd, and you can expect it would be a lot of fun.”