Darren Espanto clarifies real score with Cassy Legaspi: “Best friends lang kami ni Cassy.”

Darren Espanto shuts down relationship rumor with Cassy Legaspi

Tinuldukan na ni Darren Espanto ang usap-usapan sa kanila ni Cassy Legaspi.

Malapit lamang daw talaga silang magkaibigan.

Sa panayam sa kanya ng TV Patrol kahapon, April 8, 2024, sinabi ng It’s Showtime mainstay na best friends lamang ang turingan nila ng Kapuso actress.

Saad niya, “Makulit sila, e. Sabi namin best friends lang kami ni Cassy.

“Best friends talaga, e. Parang it’s something that a lot of people, I guess, won’t get.

“Hindi ko alam kung paano i-explain, but siyempre andun pa rin yung pagmamahal namin para sa isa’t isa.”

Sa tanong kung maari pa nilang i-level-up ang kanilang relasyon, sagot ng singer, “No, not right now, no.”

Samantala, pinag-usapan naman ang guesting ng Kapuso star na si Jillian Ward sa It’s Showtime noong pilot episode nito sa GMA Network last April 6, 2024.

Isa kasi si Jillian sa invited guests sa noontime show ng ABS-CBN.

Naging magkapareha sina Darren at Jillian sa segment na “KaraoKids” na kinakiligan ng viewers.

Sa nasabing segment, pinapurihan nina Vice Ganda, MC, at Lassy ang ganda ni Jillian.

Kasunod nito, tinanong ni Vice si Jillian kung may boyfriend na ito.

Sagot ni Jillian, “Wala po.”

Tinanong din ni Vice si Darren na, “May girlfriend ka ba, Darren?”

“Wala,” ang diretsong sagot ng singer.

Sabi ni Darren sa trending nilang partnership, “Nagulat din ako kasi trending yung pangalan namin ni Jillian. May mga ships na…

“She’s very chill. Nag-uusap na kami. Nag-iisip ng collaboration in the future.