Herlene Budol reacts to alleged private convo with Rob Gomez

Herlene: “Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue!”

Binasag na ng beauty queen-actress na si Herlene Budol ang kanyang pananahimik hinggil sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa isyu ng diumano’y pangangaliwa ni Rob Gomez, ang co-star niya sa GMA defunct afternoon series na Magandang Dilag.

Usap-usapan ngayon sa social media ang screenshots ng pribadong palitan umano nila ng mensahe ni Rob na mismong Instagram account ng Kapuso actor na lumabas at in-upload nitong Martes, December 19, 2023.

Sa screenshots, mababasa ang lihim umanong pagkikita nina Herlene at Rob. Iisipin ding may namamagitan sa kanila dahil sa pregnancy test na in-upload sa deleted IG post na ngayon ni Rob.

Bukod kay Herlene, dawit din ang Magandang Dilag co-star nilang si Bianca Manalo na tila may lihim ding ugnayan kay Rob base sa screenshots na lumabas.

Pinaghihinalaang ang dating partner ni Rob, ang beauty queen ding si Shaila Rebortera, ang nag-upload ng mga screenshot na ito nang walang pahintulot ni Rob.

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), mabilis na pinabulaanan ni Herlene ang isyu.

Aniya, hindi na siya nagtataka na muli siyang pinagpipiyestahan ngayon dahil ilang beses na siyang napabalitang buntis kahit hindi naman totoo.

Mababasa sa kanyang magkasunod na tweets (published as is), “Bakit ako nakaladkad?

“Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue!

“Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako.

“Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli?

“Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?”

ROB ISSUES STATEMENT

Rob Gomez: Bent on making a name for himself | PEP.ph

Kaugnay ng isyung ito, nagpadala ng opisyal na pahayag si Rob sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ngayong Miyerkules ng gabi, Disyembre 20, 2023, kaugnay ng unauthorized posts na inilagay ng kanyang estranged girlfriend na si Shaila sa Instagram account ng aktor.

Ani Rob, walang pahintulot na kinuha at ginamit ni Shaila ang kanyang cellphone at diumano’y nagpanggap bilang siya ang ina ng kanyang anak.

Pahayag ni Rob tungkol dito: “Please be advised that my phone was taken and used it without my consent on December 20, 2023 from 12:30 a.m. to 4 p.m.

“Worse is that the person who took my phone posted pictures of mine in my own social media account pretending that I posted it with the intention of destroying my reputation.

“The videos as shown were among my friends and co-stars who was trying to cheer me up when I was going through a lot of hurdles in my life.”

Lumaki na ang hidwaan sa pagitan nina Rob at Shaila nang mag-umpisa nang sabihin ng aktor sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto 3, 2023, na single siya.

Lumalabas na hindi nagustuhan ni Shaila ang salitang binitiwan ni Rob sa national television dahil nagsasama na sila noon at may isa nang anak.