Miel Pangilinan quashes claim that she’s Rico Blanco’s daughter

Miel Pangilinan posts appreciation message to parents Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan on TikTok: “I love you both forever and ever.”

PHOTO/S: COURTESY: MIEL PANGILINAN ON TIKTOK

Sinagot ni Miel Pangilinan ang espekulasyon ng isang netizen na anak diumano siya ng singer na si Rico Blanco.

Sa TikTok nitong nakaraang April 24, 2024, nag-upload si Miel ng dalawang larawan.

Una rito ay larawan ng kanyang magulang na sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Sa caption ay pinasalamatan ni Miel ang kanyang mga magulang sa suporta at pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Mensahe niya: “thank u for creating me [heart emoji] i’m forever thankful for the support i get from the both of you, i am who i am because of you. i love you both forever and ever. [heart emoji]”

Miel Pangilinan Tiktok upload

Komento naman ng isang netizen, “anak daw yan ni rico Blanco [lauging in tears emojis]”

Sinakyan lang ito ni Miel

Aniya, “hindi daw sabi nya [lauging in tears emojis]”

Miel Pangilinan TikTok

May nagpayo naman kay Miel na huwag na lamang pansinin ang toxic netizens.

Sabi nito, “because of what people say to you and because you are a chill kid. i hope you don’t let human’s cruelty ruin what’s good in you. be strong miel.”

Sabi ni Miel, “thank you i will be”

Miel Pangilinan TikTok

KC CONCEPCION ON ABSURD RUMOR

Sinagot na rin ang isyung ito ng nakatatandang kapatid ni Miel na si KC Concepcion.

Pinaratangan kasi ng isang netizen na anak ni Rico si Miguel Pangilinan, ang adopted son nina Sharon at Kiko.

Ayon sa mga naglutangang intriga noon, diumano, nagkaroon ng love child sina KC at Rico.

Dating magkasintahan ang dalawa.

Noong February 25, 2016, nag-post si KC ng larawan ng kanyang “brekky date” kasama ang bunsong si Miguel.

Isang netizen ang nagkomento ng, “Anak dw ni KC yan.”

Hindi naman nagdalawang-isip si KC na sagutin ang malisyosong komento nito.

Sagot niya, “Wow lang teh. Wow lang talaga.

“Be careful what rumors you spread, it might happen to you…

“You’re not spared.”

Nauna na rin niyang pinabulaanang pati Miel ay love child din niya.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 2014, sabi niya, “Kung hindi naman nagpa-abort, so nanganak nga.

“Tapos anak niya is yung kapatid niya.

“Kung hindi si Miel, si Miguel naman.

“Parang ano ba naman kayo, nagtatrabaho lang ako dito.

“Pati rin naman siguro sila [bashers], nagtatrabaho.”