Netizens ask Kim Chiu: “Are you and Xian still together?”

Agaw-eksena ang sexy bikini photos ni Kim Chiu mula sa kanyang much-deserved beach vacation sa Balesin Island Club.

Kim Chiu and Xian Lim

Hindi ang nobyo na si Xian Lim ang kasama niya kundi mga kapamilya.

Bunsod nito, hindi maiwasang hanapin ng netizens kung nasaan si Xian na anila’y matagal nang hindi pinu-post ni Kim sa kanyang Instagram account.

KIM’S IG POSTS

Tila apektado ang mga netizen dahil July 30, 2023 pa nang huling mag-post si Kim sa IG at YouTube ng Hong Kong trip nila ni Xian.

Panay ang kulitan ng dalawa sa trip na iyon.

Noong July 16, nauna nang ibinahagi ni Kim ang sweet moments nila ni Xian habang namamasyal sa Hong Kong.

Nag-reply pa si Xian noon na “hala…. parang first week nung nililigawan pa kita.”

Pero ngayon ay wala raw paramdam ang magkasintahan sa social media.

Napansin ng iba na hindi raw nag-congratulate si Xian sa successful run ng Linlang, ang digital series na pinagbidahan nina Kim at Paulo Avelino na natapos noong November 16.

Kaya marami ang nagpadala ng mensahe kay Kim mula sa netizens na nais pagaanin ang loob niya.

NETIZENS WHO DON’T BELIEVE THAT KIM AND XIAN HAVE BROKEN UP

Pero may ibang netizens ang kampante na hindi totoo ang espekulasyong hiwalay na sina Kim at Xian.

Hindi raw dapat bigyan ng malisya ang pagbabakasyon ni Kim na hindi kasama si Xian.

Opinyon pa ng iba, posibleng nag-lie low lang daw ang magkasintahan dahil may kanya-kanyang proyekto ang mga ito.

Ang patok na tambalan nina Kim at Paulo sa Linlang ay nasundan ng bagong proyekto, ang Pinoy adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim?.

Si Xian ay kapareha naman si Jennylyn Mercado sa upcoming Kapuso series na Die. Love. Repeat.

Hindi sinasagot ni Kim ang katanungan ng IG followers niya.

KIM’S CLARIFICATION ABOUT XIAN

Pero noong October 31, natanong na si Kim tungkol sa nobyo at sumagot siya na “okay naman kami ni Xi.”

Inilarawan pa ni Kim na “strong” sila ni Xian at inulit na “maayos naman po” ang relasyon nila.

Pahapyaw ring nabanggit ni Kim si Xian nang asarin siya ni Vice Ganda sa “Tawag Ng Tanghalan” segment ng It’s Showtime noong November 2.

Panunukso ni Vice kay Kim, “Ikaw, sino nagpapangiti sa yo lately?”

Susog ni Amy Perez, “Meron ka bang gustong bigyan ng mensahe?”

Napabungisngis si Kim, kumaway sa camera, at nagsabing “Hi!”

Sabay kumumpas si Kim at sinabihan si Vice na “Bakit? Napaka-OA nito!”

“Kami? Ako ang OA?” ani Vice na ngumiti na waring may inside joke sila ni Kim.

Sabi lang uli ni Kim, “Napaka-OA niyo!”

Tukso ni Vice, “Wow! Pulang-pula! Ang blush-on napunta sa noo. Halalalalala!”

Nang tanungin siya uli kung sino nagpapangiti sa kanya, ang tanging sagot ni Kim ay “Ako? Mga pamilya ko, mga kamag-anak ko.”

Isa pang tinanong ni Vice kay Kim ay kung ano ang maituturing niyang kulang kapag wala ito.

Sagot ni Kim, “Kulang kapag walang usap. In everything that you do communication is the key.”

Nang mag-follow-up question si Vice kung sino sa buhay niya ang kulang siya kapag di niya nakausap, sinabi ni Kim, “Kapatid ko, ate ko, Papa ko, si Xi.”