Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na ‘Liza in Korea’: “Ibigay natin sa kanya ‘yun”

Natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang Showbiz Update ang tungkol sa bagong show ni Liza Soberano.

Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na 'Liza in Korea': "Ibigay natin sa kanya 'yun"

Ang nasabing show na ito ay ang ten-part series na ‘Liza Soberano’. Kwento mismo ni Liza isang IG post ukol dito, “From the delicious food to the dynamic entertainment scene, I discovered so much about this incredible country.”

“E di bongga. Kasi si Liza alam nang lahat na BTS fan yan. Kasi pumunta pa ‘yan ng ibang bansa para manood ng concert ng BTS. Tapos nagtagpo sila ni Arci Munoz,” ani Ogie Diaz na dating manager ni Liza.

Naikwento pa umano niya ang pagiging BTS fan ni Liza na dumarayo pa talaga sa ibang bansa makanoond lamang ng concert ng nasabing Korean group.

Si Liza Soberano na ngayo’y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang ‘This is me’ vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano’y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, “Hope” ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang ‘Hope’ ang ginagamit na pangalan ng aktres.

Ogie D sa bagong show ni Liza Soberano na ‘Liza in Korea’: “Ibigay natin sa kanya ‘yun”