Ogie D, sinubukang hingan ng pahayag si Trina ukol sa visitation rights ni Carlo sa anak 

Hiningan ni Ogie Diaz ng pahayag si Trina Candaza ukol umano sa napapabalitang pag-file ni Carlo Aquino ng visitation rights para sa anak nilang si Enola Mithi.

Ogie D, sa umano'y visitation rights ni Carlo Aquino: "Nangangahulugang nasa korte na nga"

Naging usap-usapan ito kamakailan matapos na hindi dumalo ni Carlo sa birthday party ng anak nila ni Trina.

“Ayaw niya munang magsalita. Pipiliin niyang manahimik alang-alang daw kay Mithi. Nangangahulugan nga (Mama Loi) na nasa korte na nga ang kaso at bawal sa magkabilang party ang magsalita,” saad ni Ogie na binalikan na lamang ang naging interview kay Trina kung saan nasabi nito ang tungkol sa pagbisita ni Carlo kay Mithi. Sa naturang nagdaang panayam, hiling ni Trina na kung kukunin man ni Carlo si Mithi, wala sana itong kahati sa oras ng aktor.

Nangangahulugang kung kasama ng aktor si Mithi, sana’y hindi nito kasama ang bagong partner. Paliwanag ni Trina, ayaw niyang mamulat ang anak sa ideyang nagpapalit-palit ng karelasyon ang ama.

Maari lang sana umanong gawin ito ni Carlo kung naikasal na ito gayung tatayong ikalawang ina ni Mithi ang mapapangasawa ng ama. Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino na kamakailan lamang ay umamin na ng estado umano ng relasyon nila ng kapwa artista na si Charlie Dizon.

Sa naturang panayam din ni Ogie Diaz kay Trina, nabanggit nito ang pagkakataong sinubukan pa umano niyang ayusin ang pagsasama nila ni Carlo nang magpadala pa rin umano ito ng bulaklak sa kanya kahit sila ay hiwalay na. Nilinaw din niya ang tungkol sa naging kontrobersyal na pahayag ni Carlo kung saan nais na raw nitong makita ang anak na si Mithi na hindi nakakasama muli mula pa noong Nobyembre ng 2022.

Ani Trina, alam ni Carlo kung saan sila naglalaging mag-ina at anumang oras ay maari itong pumunta. Subalit sadyang hindi lang daw umano nagpupunta ang aktor.