Ricci Rivero responds to Bea Borres “hanggang hard launch nag mamalinis” cryptic tweet

Diretsahang sinagot ng basketbolistang si Ricci Rivero ang patutsada sa X (dating Twitter) ng YouTuber-actress na si Bea Borres.

Si Bea ay malapit na kaibigan ng ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes.

Kasunod ito ng pagsasapubliko ni Ricci sa espesyal na relasyon nila ng beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren Mae Bautista.

Nitong October 21, 2023, sa pamamagitan ng Instagram, inamin ng basketbolista na sila na ni Leren, matapos ang ilang buwang espekulasyong nagkakamabutihan na ang dalawa dahil sa kanilang sightings na magkasama.

Ricci Rivero, Leren Mae Bautista spotted anew at UAAP game Ricci Rivero, Leren Mae Bautista spotted together at park in Laguna

Makahulugan din ang caption ni Robin, lalo pa’t nabalot ng kontrobersiya ang pag-uugnay sa kanila ni Leren.

Post ni Ricci sa Instagram, kalakip ang litrato ni Leren at mga kamay nilang magka-holding hands (published as is), “To the girl who i see as a real QUEEN With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.”

Pinuri rin ni Ricci si Leren dahil sa sa patuloy raw nitong pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa sa kabila ng matinding batikos na inabot nito nang magsimulang ma-link sila.Mensahe niya, “I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better. Thank you for being so selfless and simple.“I promise to never again live a life manipulated by someone’s fantasy. This is our story, hindi dapat iba ang mag kwento ng storya nating dalawa!”

Walang dapat ikahiya': Ricci Rivero goes public with Leren Bautista relationship

Ilang oras lamang ang lumipas ay nagpakawala naman ng makahulugang tweet si Bea.

Aniya, “TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER.”

Sinundan pa niya ito ng tweet na (published as is), “lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no.”

Walang binanggit na pangalan si Bea sa kanyang post, ngunit marami ang nagpapalagay na para ito kay Ricci.

Agad naman itong nakarating sa dating nobyo ni Andrea at walang habas na binuweltahan si Bea.

Ni-retweet niya ang isa sa mga post ng dalaga at hinamon ito.

Direkta niyang binanggit ang pangalan ni Bea.

Buwelta ni Ricci (published as is), “Puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? laughing emoji].

“Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity.

“Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”

Andrea B. - YouTube

Sa halip na makakuha ng simpatya mula sa netizens ay katakut-takot na batikos pa ang natanggap ni Ricci.

Marami kasi ang ipinagtanggol si Bea lalo na’t wala naman daw itong pangalang binanggit sa kanyang tweet.

Reply ng isang netizen kay Ricci, “Bakit kaba sumasagot eh wala naman yan minemention na pangalan. Affected yarn?”

Saad pa ng isa,“Hoy patolera ka sa babae wala namang minemention na name nagclaclaim ka agad the nerve.”Sabi pa ng isa, “Tan* *na neto pumapatol talaga sa babae.”

Nireplayan naman ito ni Ricci.

Depensa niya, “Diba dinadamay nila yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nag sasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller ng magka alaman sino talaga. Isama kita sa washing machine eh.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Andrea tungkol sa pagsasapubliko nina Ricci at Leren ng kanilang relasyon.

Puwera sa ipinost niya sa Instagram kahapon, October 22, na mga larawang kuha mula sa kanyang latest na biyahe, tapings, at get-together kasama ang mga kaibigan, kabilang na rito si Bea.

Sabi niya sa caption, “Life? Life is good, life is great. [sparkle emoji]”

Ibinahagi rin niya ito sa kanyang Instagram Story.

Ngunit, kapansin-pansin ang inilapat niyang mga linya dito na hango sa kanta ng Colombian-American singer-songwriter na si Kali Uchis na “Hasta Cuando.”

Mababasa rito: “Whatever makes you feel better

“Paint me as the villain if that makes you feel better

“Make everyone hate me if that makes you feel better

“Hmm, whatever makes you feel better

“Your girl talks s—t about me just to feel better.

“About the fact that you’re still obsessed with me years later.”

Andrea Brillantes on ex-boyfriend Ricci Rivero: “Okay akong magkita kami.” Andrea Brillantes old interview about smell disorder resurfaces after revelation on ex-boyfriend’s laundry problem Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations Andrea Brillantes on ex-boyfriend: “Kapag kinuha ko kasi lahat ng binigay ko sa kanya, wala na siyang gamit sa condo” Andrea Brillantes old interview about smell disorder resurfaces after revelation on ex-boyfriend’s laundry problem Andrea Brillantes on girl she saw at Ricci Rivero’s place: “Hubad sa kwarto niya.”