Matagal-tagal ding hindi nagparamdam sa Instagram si Lee O’Brian, ang estranged partner ng comedienne-TV host na si Pokwang.
Mula nang ma-deport siya pabalik ng USA noong April 8, 2024, wala itong bagong update sa kanyang Instagram.
Pero nitong nakaraang May 2, 2024, binigla ni Lee ang kanyang followers sa Instagram dahil nag-upload ito ng larawan niya at ng kanyang inang si Marilyn O’Brian.
Birthday ng kanyang ina kaya binati niya ito.
Mensahe ni Lee, “Happy birthday to the best mama there is!! Wishing you the best on your special day!!!!
“You are an inspiration and always have had my back, and so many people think the world of you…. You are 1 of 1!!
“Keep smiling and enjoy your year ahead!!
“Love you, mama!! #HappyBirthdayMama”
LEE O’BRIAN’S DEPORTATION
Sa comments section ng post ni Lee, isang netizen ang nagkomento na maaari pa naman daw itong bumalik sa Pilipinas.
Ayon dito, “You’re welcome to come back here in the Philippines. Don’t mind the butthurt negative people, they don’t speak for the entire country. You’re a good person. Philippines is here as your second home whenever u decided to come back.”
Sagot ng isang netizen, “deported na xa paano mka balik ng pinas”
Sagot muli ng naunang netizen, “being deported doesn’t mean you’re black-listed.”
Pero giit naman ng isang netizen, “according sa news, deported sya and as a consequence of his deportation, his name has been included in BI’s blacklist.”
Dagdag pa nito, “teh basa basa ka ng news huwag lang puro thumbnail ang binabasa mo.. deported sya and kasama na sya sa blacklist!”
Pero nanindigan ang naunang netizen dahil meron daw siyang kilaladeng ported na pero nakabalik pa rin sa bansa.
Diin niya, “puwede makabalik ang na deport. May kakilala ako friend ng asawa ko. Austrian sya nakabalik sya d2. Nag bayad daw sya.”
POKWANG REPLIES TO NETIZEN
Dito na sumagot si Pokwang.
Sabi niya, “ay lagot ayaw ng @immigph yan wag ganon! baka makasuhan sila kapag ganyan. baka ipahanap sila ng BI at patunayan nila yan lagot!!!!”
Dagdag pa ng TiktoClock host, “bawal po yang sinasabi nyo baka makita ng BI lagot….”
Inakusahan naman ng isang netizen si Pokwang na nang-i-stalk sa account ng dating live-in partner dahil naka-follow pa rin siya sa Instagram account nito.
Saad ng netizen, “So, nakafollow k kay Lee? Ibig sabihin stalker k s mga post nya? Paano k nakakapag comment s post nya? Birthday wishes nya eto s mother nya, pero Nandito k nakikipag away s mga ayaw sau? San ung respect mo s mother n Lee?”
Hindi naman siya inurungan ni Pokwang.
Buwelta ng Kapuso star, “kayong mga hunghang ang nag memention sakin dito wala akong kinalaman sa post na ito mga tanga! Kayo ang di maka move on! nananahimik ako mention pa more natural sasagot ako hahhaha DEPORTED!!! Aray!! Mga iyakin!”
Ayon pa sa isang netizen, “yes daming time”
Tugon ni Pokwang, “e anong tawag sa inyo? Bwahahhahahhaaa ULOL!!!!!”
Nagtagumpay si Pokwang dahil nangyari ang kagustuhan nitong mapalayas sa Pilipinas si Lee.
Lee O’Brian leaving the Philippines after being deported by Bureau of Immigration
Sa eksklusibong panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Abril 11, tila lumambot na ang puso ni Pokwang nang tanungin tungkol sa masaklap na kapalaran ng dating karelasyon.
Pahayag niya, “Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos, ako rin ganoon.
“Para makapag-provide kami nang mas maayos para sa anak namin. Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapaghanapbuhay dito.
“Puwes, paano siya makakapag-support sa anak niya? Ganoon din naman ako, di ba?
“Habang nandito siya, ang daming nakakarating sa akin na hindi maganda na may [mga] katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho.
“Kawawa lang yung bata kasi hindi kami makapaghanapbuhay pareho.
“Bakit ba kami nagtatrabaho? Di para sa anak namin?”