Sa Mother’s Day mismo, sa Mayo 12, 2024, Linggo ng 3:15 p.m., magsisimula ang limited talk series ni Boy Abunda na My Mother, My Story.
Very personal kay Kuya Boy itong special na binuo niya dahil para ito sa mga ina.
“It’s very personal to me — the emotional and revealing conversations with celebrities tungkol sa kanilang mga relasyon sa kanilang ina.
“Ibabahagi nila kung paano sila pinalaki ng kanilang magulang, paano itinaguyod, paano nasaktan, paano naging masaya sa buhay, paanong tinuruan magmahal at paanong hindi natuto magmahal.
“Pag-uusapan naming lahat ng mahahalagang karanasan na humubog sa kanilang pagkatao,” pahayag ng King of Talk.
Sobrang espesyal daw sa kanya ang pilot episode nito kung saan tampok ang mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano.
Kakaiba ang konsepto ng My Mother, My Story kung saan habang ini-interview ni Kuya Boy si Luis, pinapanood ito ni Vilma sa kabilang kuwarto at nakukunan ang mga reaksyon niya sa mga sagot ng kanyang ang nak.
Boy Abunda (extreme right) with Vilma Santos (in blue) and sons Luis Manzano (in black) and Ryan Christian Recto (extreme left)
BOY ABUNDA ON UPCOMING GUESTS OF MY MOTHER, MY STORY
Monthly mapapanood ang My Mother, My Story, pero hindi pa raw niya masabi kung anim na buwan o mas hahaba pa, depende sa kahihinatnan nitong special. Ngayon ay personal daw niyang kinakausap ang mga celebrity na gusto niyang kapanayamin.
Pagbabahagi ni Kuya Boy, “We’re working on Andi Eigenmann. She has agreed to do it.
“So, inaayos pa namin ang detalye kung kaya naming mag-Siargao o gagawin namin dito. Pero we would like to do that story.
“I spoke to Erickson [Raymundo of Cornerstone] with Julia Montes. That’s a compelling story. Positive din yung response.
“And we’re working on Jillian Ward. We are in the middle of conversations. Anim ito, e.
“Kaya nakabukas lang once a month, pero iyon yung mga kinakausap namin.
“Maaring… uunahan ko na talaga, because I’d love to do Bimby. But I am very sensitive to the condition of Kris [Aquino]. Hindi ko lang alam… but I will be in touch one of these days. Kung meron akong finale episode, I’d love to be able to talk with my inaanak.
“I don’t know if this is possible. I don’t know if it’s workable. Pero susubukan namin. Pakikiramdaman namin. Because I’m also sensitive to the condition of Kris,” saad ni Kuya Boy nang nakapanayam namin sa media conference nito na ginanap sa Azadore nung Martes, May 7.
Ibang-iba itong My Mother, My Story sa Fast Talk With Boy Abunda, dahil nakatutok ito sa kuwento ng isang ina.
“It’s a story of a mother through the lens of the child, and the story of a child. And there is that intersection in the middle, and almost always that is bound by love, respect… yun yung narrative art. Dun ka huhugot.
“It’s not an interview na parang… this is going to be an investigative interview, hindi.
“It’s a trying to get to know more, the person, the celebrity, sa pamamaraan kung paano ang kanyang relasyon, kung paano siya pinalaki, or paano niya pinalaki ang kanyang magulang, ang kanyang nanay.
“It’s more relaxed, and very emotional,” saad ni Kuya Boy.
Pero ang limited talk series na ito ay hindi ibig sabihin hindi mabibigyan ng halaga ang mga ama.
“Since, this is very personal… I’d like to address na I am not diminishing the contribution of a father in raising a child.
“Parati kong sinasabi that everyone, a father has a mother, a mother has a father. You have a mother, I have a mother.
“It’s probably just a handle dahil maaga namayapa ang aking ama, and I have a very strong relationship with my mother,” paglilinaw ni Kuya Boy.
Ilang beses naman sinasabi ni Kuya Boy kung sino si Nanay Lesing sa kanyang buong pagkatao. Kahit pumanaw na ang kanyang ina, mahalaga pa rin sa kanya ang Mother’s Day.
Boy Abunda and his late mother, Nanay Lesing
Sa nakaraang media conference, tinanong si Kuya Boy kung paano niya kaya ipagdiwang ang Mother’s Day ngayon sakaling buhay pa ang kanyang ina.
“Ang nanay ay, ang gusto niya nakikipag-usap, ang gusto niya nakikipagkuwentuhan. Ang gusto niya nakikipagtawanan, gusto niya nakikipagdebate. Iyon yung engagement ng nanay.
“So, siguro nasa bahay lang kami. Magluluto kami ng mga waray na pagkain, kurukod ang tawag sa amin.
“Iyon talaga ang gagawin. To Nanay, ang selebrasyon ay kuwentuhan, pag-uusap,” saad ng King of Talk, na itinuturing na si Nanay Lesing niya ang kanyang Queen of Talk, dahil gusto raw talaga nitong nakikipag-usap palagi.
Matagal nang bali-balita na nagbunga na ang pagmamahalan nina Coco Martin at Julia Montes, ngunit nanatiling tikom ang kanilang bibig sa usaping ito. Maging ang mga malalapit nilang kaibigan ay hindi iyon kinukumpirma kapag kinukulit sila.
Sakaling mag-guest si Julia Montes sa TV special na ito, kaabang-abang ang sasabihin niya.
Kung merong Vilma Santos-Luis Manzano, meron din sanang Nora Aunor-Ian de Leon.
Interesting din kung itatampok dito ang mag-ibang Karla Estrada-Daniel Padilla, at siyempre pa, Mommy Min-Kathryn Bernardo.
Bet ko ring mapanood sana rito sina Gretchen Barretto-Dominique Cojuangco, Sharon Cuneta-KC Concepcion, at Annabelle Rama-Ruffa Gutierrez.